(Nota: noong 2010 ko pa isinulat ang rebyung ito. Kung saang baul ko kasi naitago kayo ngayon ko lang malalagay.)
Sampung araw na mula nang ilabas ang Towers of Midnight sa Amerika. Dalawa o tatlong araw pagkatapos, nakamagic ako ng kopya ng audiobook. Hindi ako nakapagsulat ng dapat isulat ko dahil pinakinggan ko 'yung libro. Ang hindi maganda sa audiobook, bumabagal ang mga boring na eksena. Pag binabasa ko lang kasi ang texto, pwedeng patalon-talon ang mga mata ko pag nakakabagot ang mga nangyayari sa pahina. Parang saidin/saidar ang audiobook, nagpapatingkad ng perception ng kagandahan--at kapangitan.
Tatlo o apat na araw kong pinakinggan ang Towers, pero hindi ko agad magawan ng rebyu. Kasi nga, andami kong dapat isinulat na hindi isinulat dahil sa kanya, at bumawi ako. Tsaka, siguro, masyado ko kasing mahal ang serye ng Wheel of Time mismo, at pakiramdam ko nadudungisan ko ang pagmamahal ko rito sa pagrerebyu.
Pero ngayong google ako nang google ng libro at wala akong makitang ibang rebyu ng buo pwera iyong kay Leigh Butler sa website ng tor, naisip ko, panahon nang magsulat ng mga pagmumuni-muni ko tungkol sa Towers. Maganda itong simula para sa pagsisimula ulit ng pagbablog.
At dahil nga huli na 'tong rebyu ko, gagamitin ko nang launchpad ang kay Butler. Naglista s'ya ng 16 na hints sa kanyang spoiler-free rebyu na kanyang inexpand sa spoiler-much na bersyon. Magrereak ako sa mga bagay na nireaktan n'ya, saka na lang magbabanggit ng mga puntong importante para sa akin pero wala sa 16.
Una, ang pagbabanyuhay ni Rand. Ang salita ni Butler para rito ay "Jesusing." Tuwang-tuwa ako sa pagiging malaanghel/maladiyos ni Rand, ang pagbabalik n'ya sa lusog ng mga puno ng mansanas laban sa kabulukan ng kanyang kaaway, bagaman baduy ang pagkakaroon n'ya ng liwanag na kumukontra sa dilim ni Shai'tan.
Ang dating sa akin, patay na ang lumang Rand. Pero kung sabagay, The Fires of Heaven pa lang sinasabi na nila Egwene na hindi na s'ya ang dati nilang kilala, at sa The Great Hunt nga mahusay ang pagtatala ng kanyang pagbabago at pagtanggap sa responsibildad bilang nilalang na may kapangyarihan. Sa isang banda, ang Hesus na Rand ay hindi na si Rand, dahil ang alaala ang susi sa identidad ng isang tao. Kaya kung maiintegrate mo ang memorya ng 400 taong gulang na past life mo, hindi na ikaw ikaw. (At, sa isang banda, wala naman talagang identidad, dahil wala naman talagang tao, dahil wala naman talagang pag-iral, meron lamang pagiging.)
Ang hindi ko gusto ay ang pagliligtas ni Rand sa lungsod na nagligtas kay Ituralde. Daang libo ba o milyon ang pinatay n'yang Trolloc? Mas mahusay sana kung purong ordinaryong tao lang, konting mahika lang, at si Ituralde na lang ang ginawang bida sa sinulid na iyon ng nobela. Ang ganda kasi ng mga eksena ni Ituralde, nag-abang talaga ako ng trahedya.
Bago ako tumuloy sa ikalawang punto ni Butler, gusto ko lang sabihing nalito ako kay Tam. Sa mga kabanatang POV ni Rand, nandun s'ya. Tas sa POV ni Perrin, andun din s'ya. Sa may gitna ko na lang nagets na out of synch pala ang chronology. Napagsuspetsahan ko pa tuloy na si Slayer talaga 'yung nasa kampo ni Perrin. Nakakahiya.
Ikalawa, nagustuhan ni Butler ang eksena kung saan lumikha ng sandata ni Perrin at Neald na "power wrought." Sa totoo lang, nadala na ako ng mga nababasa ko sa Internet na nabuburat kay Perrin. Pero sa Towers nagustuhan ko s'ya. Syempre meron pa ring mga mabagal na eksena, kahit naman kay Mat at Rand meron, pero kay Perrin ang inaasahan ko, boring talaga, at nakakabiglang mabilis ang mga bahagi ng banghay na sa kanya. Siguro kasi, dahil andun si Hopper sa mga POV n'ya, at nadedeflate ng lobo ang kanyang mga paangst-angst ewan. Isa pa, paiba-iba rin ng POV sa sinulid ng Perrin versus Galad, at naexcite talaga ako sa anggulo ni Morgase.
Nahinaan lang ako dun sa bahagi na nanghingi ng mapa si Perrin tas alam na n'ya agad kung saan aambushin sila Galad. Tsaka, tulad ni Butler, naasar din akong di n'ya napatay si Slayer. At, tulad ni Butler, nagustuhan ko rin ang mga Matrix scene sa tel'aran'rhiod. Kung tutuusin tuloy, ba't di mo na lang basahin, mahal kong mambabasa, ang rebyu ni Bulter, tutal naman puro rin lang din ang sinasabi ko.
A, teka, meron pala akong hindi nagustuhan na nagustuhan ni Butler. Sa kanyang ikatlong punto, tuwang-tuwa s'ya sa pagkakasulat sa pagkakaligtas kay Moiraine. Ako, hindi gaano. Una, nainip ako kasi imbes na iyon ang pokusan, ang Perrin versus Galad ang binigyan ng mas maraming pahina. O sige, sa dulo exciting din 'yung mga eksena ng laban sa sinulid na iyon, pero mas malaki kasi ang expectations ko sa mga Mat at Moiraine na bagay.
Nagustuhan ko na Malkieri pala si Noal. Lahat ng tao sinasabi noon pa na s'ya si Jain Fairstridder, so tinanggap ko na lang iyon, kaya hindi ako nabigla sa rebelasyon. Pero ang ikli-ikli kasi ng pagpasok at paglabas nila sa Towers of Ghenjei e. Tsaka, bagaman malakas ang empasis na oy foreshadowed 'to book four pa lang a, di ko nagustuhan ang ashanderei bilang susi palabas sa mundo ng Aelfinn at Eelfinn. At bagaman sa The Dragon Reborn napansin kong type ni Thom si Moiraine, di ko matanggap na nagkainlaban na sila, at gustong magpakasal ni Thom, at hand s'yang maging warder ng Aes Sedai.
Nabanggit na rin naman si Mat, pakiramdam ko tone-deaf lang talaga ako. Di ko gets ang mga sinasabi ng mga tao sa Internet na mali ang representasyon sa kanya sa The Gathering Storm, na mali ang tinig. Maikli lang kasi ang mga eksena n'ya dun, kaya nagustuhan ko talaga 'yung nakatime loop na baryong pinuntahan n'ya.
Sablay man o hindi ang pagrender, nagustuhan ko s'ya sa Towers. Nakakatuwa ang kanyang pagkukunwaring di na s'ya tumitingin sa babae dahil asawa na n'ya si Tuon (Fortuona, pero di n'ya pa alam na nagbago na ito ng pangalan bilang Empress). At tawang-tawa ako sa sulat n'ya kay Elayne na puro maling baybay at halos walang lohika ang takbo ng mga pangungusap. Ang disappointing ay ang laban nila ng gholam. Sa totoo lang ang hirap kasing imajinin 'yung agimat n'ya (at ang mga kopya nitong gawa ni Elayne) bilang sandata laban sa gholam. Dapat ang mga eksena ng laban biswal, matingkad dapat.
Ang ikapaat na kinumentan ni Butler ay pagiging Gollum ni Padan Fain. Naiinis ako sa paghawak kay Fain, kasi nawala na s'ya mula nang saksakin n'ya si Rand sa A Crown of Swords. Gusto ko ang kanyang zombies, at sana nga lang mas malaki ang kanyang papel sa A Memory of Light. Ang dating sa akin ni Peter Pettigrew ay Gollum, pero ang corny naman ng kamatayan n'ya sa Harry Potter and the Deathly Hollows. Sana hindi ganun ang mangyari kay Fain.
Ito ang teorya ko tungkol sa kanya. S'ya ang magiging bagong Shai'tan. Sa teolohiya ng WoT, may potensyal ang mga tao sa kasamaan, pero si Shai'tan nang medyo nakawala sa presong gawa ni Creator, aktibo at direkta n'yang namanipula ang kasamaan ng mga tao. Ang Shadar Logoth, ang dating Aridhol, para labanan ang mga kampon ng kasamaan ay naging masama rin mismo. Si Fain ang mabibitag at mapepreso, at sa tingin ko pasok ito sa metapisika ng WoT na walang simula at wakas sa pag-ikot ng panahon.
Ikalimang puntong kinumentan ni Butler ang tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng mga taga-Black Tower. Maganda naman, lalo na ang representasyon ng brainwashed na Ashaman at Aes Sedai. At nakakatakot talaga si Taim, at nag-aalala talaga ako ng lubos sa kung ano ang mangyayari sa mga pamilya sa Black Tower. Ang kaso, iyong minibida dun na kampon ni Logain, di ko man lang maaalala ang pangalan kahit na POV n'ya ang mga kabanata. Kasi nga, sa dami ng mga tauhan ng serye, nauubos na ang memorya ko. E sayang, kasi maganda pa namang sundan ang kanyang sinulid. Sana si Logain na lang ang binida, o kaya 'yung si Pevara.
Gusto ko lang sabihing sana si Demandred na lang talaga si Taim, kahit na sabi raw ni Robert Jordan mismo hindi. Kasi hindi ko talaga malaman kung nasaan si Demandred, at kung bakit/paano naging masama si Taim.
Ang ikaanim na kinumentan ni Bulter ay ang pagkikita nina Galad at Berelain. Malaki raw ang mga suso ni Berelain, sabi ni Galad. Sa totoo lang, mas nagustuhan ko ang POV ni Galad sa kanilang versus ni Perrin sa mga hindi pa eksena ng laban, kaya okey na rin na magkaroon s'ya ng asawang kasing ganda n'ya. Pero ang nasa puso ko kasi noon, mamamatay si Faile at si Berelain at Perrin ang magkakatuluyan. A, pero wag na dapat akong nagwawallow sa disappointment tungkol sa suso at puso.
Ang ikapitong kinumentan ni Butler ay ang paglalantad ni Elaida kina Fortuona tungkol sa Travelling. Sa totoo lang, nang iutos ng Empress na atakihin ang White Tower, ayaw ko na kay Tuon. Kaya nga nabigla ako sa future vision ni Aviendah kung saan may nagsabing may dangal daw ang Empress na ito ng Seanchan. Sa akin lang, masama talaga s'yang tao, at akala ko talaga noon s'ya ang "half the light of the world" na isasakripisyo ni Mat "to save the world."
Ang ikawalong kinumentan ni Butler ay ang tungkol sa bloodknives, na hindi ko nagets ay nasa The Gathering Storm pala. At ikasyam n'yang kinumentan ay si Gawyn, na hinarap ang tatlong bloodknives na papatay sana kay Egwene.
Ngayon, noon ko pa man hindi gusto si Gawyn, kaya nga tuwang-tuwa ako nung binugbog s'ya ni Mat sa The Dragon Reborn (kasamang nabugbog si Galad sa isang two against one fight scene). Pero nagustuhan ko s'ya rito. Una kasi, detective ang moda n'ya sa paghahanap ng mga pumatay sa mga Aes Sedai. Pangalawa, kasi pinakita n'ya ang kadakilaan ng isang taong nagsisilbi sa isang dakilang tao, i.e. pinili n'yang maging tunay na warder material at hayaang maging boss ang Aes Sedai n'yang si Egwene. Mahusay s'ya ang pagpapakumbabang talumpati ni Elayne sa kanya tungkol sa inggit n'ya kay Rand.
Hindi nga lang ako makapaniwalang natalo n'ya 'yung tatlong bloodknives.
Ang mga Matrix na eksena nina Slayer, Perrin at Egwene ang ikasampung kinumentuhan ni Butler at nabanggit ko na ang aking paglike sa kanyang sinabi.
Ang ikalabing-isang kinumentuhan ni Butler ay ang pabaliktad na future vision ni Aviendah sa Rhuidean. Malakas talaga ang mga ganitong eksena, kasi nang maglakad si Rand para sa kanyang past vision nadala talaga ako sa kwento na nakaraan ng Aiel. At sa future vision ni Aviendah, talagang namanipula ang aking damdamin.
Dapat daw ay wag mangyari ito, sabi ni Butler. Sa akin, ang pagiging bukas ng WoT sa ganitong posibilidad ang magliligtas dito mula sa kabaduyan ng liwanag versus dilim na talinghaga. Hindi na lang epiko/saga ang WoT pag hinayaang open-ended ang tadhana ng Aiel. Isa na itong trahedya.
Ang ikalabindalawang kinumentan ni Butler ay ang showdown ni Rand at Egwene. Kulang daw sa drama. Sapat na para sa akin, at sa totoo lang hindi ko nagugustuhan ang pagharang ni Egwene sa plano ni Rand na basagin ang mga lock ng bilangguan ni Shai'tan para palitan. Ang kulit, nagtawag pa ng mga hari at reyna para suportahan s'ya laban kay Rand.
Naiinis din ako sa pekeng pagpapatalino kay Min. Sige, hindi naman s'ya bobo, pero iyong overnight ay bigla na s'yang maging pilosopo tungkol sa metapisika ng WoT, hala, saan nanggaling 'yon? (O sige, foreshadowed pa lang sa Lord of Chaos, pero kahit na foreshadowed ang isang rebelasyon hindi ibig sabihin kapaniwa-paniwala na itong lubos.)
Sa simula, hindi ko nagustuhan ang mga maneobra ni Elayne at ang kanyang pag-assume na mamamatay si Rand pagkatapos ng The Last Battle at ang paggawa n'ya ng mga paraan para panatilihing malakas ang Andor sa kinabukasan. Pero, iniisip ko, tama pala, kasi nga para hindi happy ending ang serye, dapat ay tuloy ang pulitika ng mga kaharian. Pero nakakaasar pa rin na galit s'ya kay Perrin dahil rebelde raw ang Two Rivers. Tang ina 'tong mga hari na 'to dapat talaga pinupugatan ng ulo e. May sinabi si Voltaire noon, tungkol sa kapayapaan at pagsakal sa papa.
Ikalabingtatlong kinumentuhan ni Butler ang pagpatay ni Dain kay Byar. Mahusay na eksena, at iniwasan ang yakapan patawaran na pilit at corny. Imbes, ginawa ni Dain ang tama, pero hate pa rin n'ya si Perrin.
Ikalabing-apat na komento ni Butler, dapat mamatay na si Slayer. Ang sa akin, sana kung mas maganda ang pagset up sa kanya bilang kontrabida, tulad sa gholam. Kaso, tulad ni Fain, nakalimutang kalaban na rin s'ya e. At di ko pa rin magets ang kanyang mitolohiya e, ba't ba galit si Isam/Luc sa kung kanino man s'ya galit?
Ikalabinlimang kinumentahan ni Butler ang cliffhanger tungkol kay Lanfear, ang pagsulpot nito sa panaginip ni Rand.
Ang pagkakaintindi ko, iyon ang hiling ni Lanfear sa mga Eelfinn, ang maging mabuti ulit at mahalin ni Rand. Gusto ko na rin, kasi, una, hindi ko magets kung paanong si Ilyena lahat sina Elayne, Min at Aviendah. Pangalawa, kasi ano ba naman ang kasalanan ni Lanfear kundi ang umibig sa hindi s'ya mahal? (O sige, nagpahirap at pumatay s'ya ng limpak-limpak na tao, pero kahit na...)
Ang ikalabing anim na kinumentuhan ni Butler ay ang pagtakas ni Graendal sa balefire ni Rand. Disappointed ako rito. Una, kasi ang corny-corny ng pagpatay sa mga Forsaken. Iisa-isahin ko.
Sa The Dragon Reborn, si Bel'al, nabalefire ni Moiraine. Sige, maganda 'yun kasi, underdog si Moiraine.
Sa The Fires of Heaven, si Asmodean, pinatay ni Graendal. Gusto ko ang misteryong ito, bagaman hindi ko talaga magets kung paano eksaktong si Graendal ang pumatay kay Asmodean (may nabasa ako noong mahabang paliwanag sa Internet tungkol kay Rahvin, Sammael, Lanfear at Graendal at ang hinanda sana nilang set up para mahuli si Rand).
Sabi sa mga comment sa tor, sa appendix once and for all sinabi na si Graendal nga ang pumatay kay Asmodean, na sobrang corny. Sana, tutal naman may dalawang relevant quote sa Towers mismo (isa lang ang nahuli ko), hinayaan na lang manatili itong bukas sa interpretasyon, bagaman may solidong ebidensya sa texto. Sa The Fires of Heaven din nabalefire ni Rand si Rahvin. Ito ang pinakagusto ko kasi, nakaset up ang pag-intersect sa laban ni Nynaeve at Moghedien, tsaka kasi sa sobrang lakas ng balefire ni Rand naibaliktad n'ya ang takbo ng panahon sa pamamagitan ng pagsunog sa mga sinulid ng Pattern.
Sa A Crown of Swords, napatay ng Mashadar si Sammael. Eto talaga ang pinakaayaw ko, kasi parang tanga ang pagsakop mismo ni Rand sa Illian, at di ako makasakay sa paliwanag kung paano n'ya naiwan ang wards ni Sammael na kagaya ng wards ni Rahvin sa Andor (wards na nagamit nang huli para mapatay si Mat at Aviendah).
Sa Winter's Heart, nabalefire ni Elza si Aginor aka Osan'gar aka Dashiva. Maganda rin ito, kasi Darkfriend si Elza at hindi n'ya natantong Forsaken este Chosen pala ang kanyang binubura mula sa realidad.
Sa The Gathering Storm, nabalefire ni Rand si Semirahge, gamit ang True Power. Maganda ito, bagaman disappointing sa isang banda dahil walang resonance. Torturer si Semirahge e, at sa mano a mano ang dating parang outclassed talaga s'ya.
Sa Towers, nabalefire ni Rand si Aran'gar aka Balthamel, nang ibalefire n'ya ang buong muog ni Graendal. Mahusay nga dapat e, kasi parang nagbagsak ng armas nukleyar si Rand. Ang kaso, mali ang inakala n'yang napatay n'ya. Sa Towers din napatay si Graendal, o napuntang sa impyerno, sa kamay ni Shaidar Haran. E ang galing-galing dapat n'ya, s'ya ang pinakamagaling sa Compulsion. Sa Towers din binaliw ni Egwene si Mesaana. Gustong-gusto ko ang kanyang talumpati na tatlong libong taon na ang White Tower, sa kanilang dalawa ang daang taong si Mesaana ang "child." Disappointed ako sa tunay na identidad ni Mesaana. Parang tange, hindi man lang prominent na Aes Sedai.
Sa ngayon, ang buhay na lang na Forsaken ay si Morridin aka Ishamael (na kung tutuusin ay corny, kasi napatay na s'ya ni Rand sa The Dragon Reborn at hinokuspokus lang ni Shai'tan para ibalik mula sa hukay), si Demandred, si Lanfear (na sana ay magtaksil) at si Moghedien (na dapat ay maganda ang showdown laban kay Nynaeve).
Dito ko na rin gustong banggitin ang mga reklamo ng mga Amerikano na gamit nang gamit si Sanderson ng slang. Binanggit ko na ito sa rebyu ko ng The Gathering Storm, sa paggamit ng salitang "homicidal." "Played" naman ang inirereklamo rito sa Towers. Sa akin, mas tanggap ko, kasi siguro banyagang wika ang Ingles at ang slang ng mga Amerikano ay kasing-iba rin ang dating sa akin ng kanilang mga ordinaryong (o pangmedieval na fantasyang) salita.
Dito pala sa Towers may pinakaraming napatay na Forsaken, tatlo. Sa madaling salita, puno ito ng aksyon. Madalas kong isipin kung ano ang babasahin ko sa mga libro bago ako mamatay (sa 2032). Sa ngayon, ito ang aking listahan.
1. The Eye of the World - Hindi ko babasahin. Nakakabagot, at baduy ang paggamit sa nanay ni Rand. Ang magandang eksena lang dito ay ang pagmamakaawa ni Rand kay Nynaeve at ang kawalan ng huli ng kakayahan para iligtas si Tam. Ang isang assistant ni Robert Jordan, sabi sa interbyu sa Dragonmount, 17 beses na raw binabasa ang Eye.
2. The Great Hunt - Babasahin ko ulit. Naiyak ako kay Ingtar nang ireread ko ito ilang buwan na ang nakakalipas. At gustong-gusto ko pa rin ang showdown nina Rand laban sa Seanchan.
3. The Dragon Reborn - Babasahin ko ulit. Dito binugbog ni Mat si Gawyn at Galad. Dito pinakawalan ni Perrin si Boundless at Gaul, dahil wala dapat taong hinahawla. At dito ang pinakamagandang ending ng WoT, ang pagtaas ni Rand sa Calandor.
4. The Shadow Rising - Babasahin ko ulit. Naiyak ako sa pagtatanggol ni Perrin sa karapatan ni Aram na ipagtanggol ang kanyang pamilya at hindi na maging pacifist. At nakakaiyak nga ang kasaysayan ng Aiel. Isa pa, dito nakudeta si Siuan.
5. The Fires of Heaven - Babasahin ko ulit. Dito namatay si Moiraine. Dito nagback to the future si Rand gamit ang balefire. Dito pinatay ni Mat ang pinuno ng Shaido.
6. Lord of Chaos - Babasahin ko ulit. Ito ang unang libro sa serye na binasa ko. Kung sa The Eye of the World ako nagsimula, malamang hindi ko na binasa ang mundo ni Jordan. Ang pagkakahuli kay Rand at ang pagligtas sa kanya sa laban ng Dumais Wells ang dahilan kung bakit ito ang pinakamagandang libro sa serye.
7. A Crown of Swords - Hindi ko babasahin ulit. Bukod sa pagsakop ni Rand sa Illian at pagpatay n'ya kay Sammael, ano pa ba ang nangyari sa librong ito? O sige, pinatay si Pedro Niall dito, at dito rin naghawak kami ang balefire ni Rand at Ishamael, pero kahit na, parang sira. Dito, pakiramdam ko, nagsimulang bumagal ang nobela, at hindi ako makapaniwalang ito ang paboritong libro ni Butler sa serye.
8. The Path of Daggers - Hindi ko babasahin ulit. Bukod sa pagkikita ni Balwer at Perrin, wala na akong maalala sa librong ito. Ito ang ikatlo sa serye na aking nabasa (ikalawa ang A Crown of Swords) at sobrang husay talaga ng Lord of Chaos na pagkatapos ng dalawang librong corny ay ginusto ko pa ring balikan ang simula ng WoT.
9. Winter's Heart - Babasahin ko ulit. Ito yata ang unang libro sa Amazon na binili para sa akin. Ang naalala ko rito, sabi ni Lan bitiwan na ni Rand ang kamay n'ya, sabi ni Rand parang, pag lumipad ang mga kabayo. Ayun, awa ng Creator nahulog at nakulong sila pareho. Tsaka rito nga pala nilinis ni Rand ang saidin. Dito rin kinidnap ni Mat si Tuon.
10. Crossroads of Twilight - Hindi ko babasahin ulit. Ang comment ng mga Amerikano rito, walang nangyari. Walang nangyari. Natuwan naman ako sa ligawan ni Mat at Tuon, pero ngayong iniisip ko, oo nga, wala talagang nangyari. Nang makita ko ang softbound nito sa Fully Booked noon, tuwang-tuwa ako. Kasi, una, unang beses ko 'yong punta sa Fully Booked. At pangalawa, pagkatapos mabasa ang 6, 7, 8, 1, 2, 3, 4, 5 at 9, nakalimutan ko na ang tungkol sa serye. Meron naman sigurong nangyari sa Crossroads of Twilight, kasi ginusto ko pa ring basahin ang Knife of Dreams e.
11. Knife of Dreams - Babasahin ko ulit. Showdown ni Rand at Semirahge. Pinakasalan ni Tuon si Mat. Naging reyna na si Elayne (ang pinakayuck ever na sinulid sa serye, sana si Morgase pa rin ang reyna ng Andor, kung may hustisya sa mundo. Ang kabanata kung saan natalo ni Elayne ang mga kalaban n'ya para sa trono ay may pamagat na... "The Importance of Dyelin." Ngi.). Pero babasahin ko ulit.
12. The Gathering Storm - Babasahin ko ulit. May nagcomment sa kung saang site na hate n'ya ito, kasi ang ibinida ay si Egwene "and her golden vagina." Mas gusto ko ang lumang Egwene, iyong loser Egwene, iyong sunod-sunuran kay Siuan, at ang galit na Egwene, na hindi na muling magpapahuli sa Seanchan. Naging ayaw ko na kay Egwene nang sineryoso n'ya ang pagiging rebeldeng Amyrlin. Kaya nga paborito ko pa rin si Nynaeve sa tatlong bidang babae e, kasi s'ya lang ang hindi "opisyal," ang nanatiling rebelde. Lubos nga akong umasa sa Towers nang mabanggit na baka hindi s'ya gawing opisyal na Aes Sedai kasi "nandaya" s'ya sa final exam n'ya. Pero, balik kay Egwene, bagaman mas gusto ko ang dalawang lumang s'ya, ayos na rin ang treatment sa kanya sa The Gathering Storm, at ako nama'y walang pagtutol sa mga may "golden vagina."
13. Towers of Midnight - Babasahin ko ulit. Basahin ang sanaysay sa itaas para malamang kung bakit.
14. A Memory of Light - Babasahin ko ulit. Early 2012 at hindi late 2011 ang labas nitong huling libro sa serye, dahil gustong magrecharge ni Sanderson, at ireread ulit ang serye bago tapusin ang ika-14 na bahagi nito. Naiintindihan ko naman iyon. Siguro sa 2012, hindi ko na kailangang magicin para magkaroon ng kopya sa araw na inilabas ang libro sa Kanluran. Ang mga season finale, laging pangit. Pakiramdam ko, magiging disappointing ang A Memory of Light, kahit na maging maganda man ito.
Wala pa yata akong season finale na minahal. Pangit ang sa Deep Space Nine, Voyager, Battlestar Galactica, Lost, Enterpise, Seinfeld, Stargate Atlantis, Friends. O sige, pwede na ang sa Frasier, at maganda ang sa Stargate SG-1, pati na rin ang Star Trek: The Next Generation, at kahit bitin ang sa Carnivale. At tsaka, sige, mga palabas ito sa telebisyon, kaya anong basta ang pinalalabas kong umiiral?
Hindi ko gusto ang Harry Potter and the Deathly Hollows, pati na rin ang The Dark Tower. Iyon lang kasi ang dalawa pang seryeng sinundan ko. Pero sa tingin ko, sapat na ang punto. Sa gitnang mga libro, may anticipation at excitement sa parating. Sa huling libro, kailangang kumambyo. Hindi na aksyon ang empasis, kundi ang iiiwang latak sa utak ng mambabasa. Ang kaso, kailangan pa rin ng aksyon para tumakbo ang nobela. Iyon ang paradoha, parang buhay, wala itong masyadong saysay.
(Pahabol. Babasahin ko pala ulit ang prequel na New Spring.)