Tatlong araw kong binasa. Hindi ko pinanood ang mga bagong episodes ng Eureka, Warehouse 13, Futurama, Pretty Little Liars, Alphas at Love Bites hindi dahil unputdownable itong A Dance with Dragons, kundi dahil gusto ko s'yang pahalagahan dahil gusto kong mainlab ulit.
Nabigla ako nang itanong sa akin ni Chuck kung ano ang huling libro kong nabasa. Kinailangan ko pang tingnan ang tags bago ko maalala ang Embassytown. Nagustuhan ko naman ang gawang iyon ni China Mieville, pero hindi ako nainlab. At pareho lang ang kaso rito. Nagustuhan ko ang A Dance of Dragons. O sige, marami kang parang tangek na kabanata. Iyon bang dapat ay cinollapse na lang sa isa. Iyong kay Tyrion, lalo na. Nakakarindi pa ang characterization. Sa ikatlong kabanatang POV n'ya, napapasigaw na lang talaga ako, "Oo na, may daddy issues ka na!" Nakakatawa ang isang rebyu sa Amazon kung saan tinira ang mahabang paglalarawan ni George R. R. Martin sa mga pagong.
At katulad ng iba sa kanila, may agam-agam ako sa pag-introduce kay Aegon Targaryen. Sana matusta rin s'ya tulad ni Quentyn. Nabanggit ko na rin si Quentyn, sa kanya ang ikalawang pinakagusto kong kwento sa nobela. Sobrang nakakatawa nang patayin s'ya ni Rhaegal. Kung binitin ang kwento n'ya, hate ko ang librong ito.
Pinakamaganda ang kwento ni Theon. Nagsimula s'ya sa Reek, naging Turncloak, tas Prince, saka umabot sa Theon. Para tuloy nakalimutan kong sobrang kupal n'yang tao at taksil at pumatay din s'ya ng bata. Maganda ang takbo ng kay Theon kasi kahit bitin, mayroong isang kabanatang nakumpleto.
Bagaman kasi masarap minsan mabitin, hindi masarap mabitin lagi. Bitin ang kay Jaime, bitin ang kay Stannis, bitin ang kay Cersei, bitin ang lahat. Pinakamalaking pagkakamali talaga ang hindi pagbalik ni Daenerys para tustahin silang lahat. Ayos na sana kung bitin ang kay Jon at Tyrion, pero iyong parang tangek si Daenerys sa damuhan sa ending, ano 'yon? May isang parodiya sa Breaking Dawn kung saan inilarawan na pagkatapos ng mahabang set up ay dumating na sa wakas ang showdown ng mga bampira at sila ay... nag-usap. Titi ng ama, magpatayan kayo!
Isa pang problema ko ay ang mahika. Tanggap ko ang Others at wights at mga dragon, naroon na sila sa A Game of Thrones e. Ewan ko sa mga warg, pero iyong kwento ni Arya pati na rin 'yung sa mga pari ni R'hllor, at pati na rin ang kay Bran, hala, baka maging mga anghel ng Battlestar Galactica at the source ng Lost ito, i.e. kabaduyan.
Isyu: dahil sa palabas na Game of Thrones hindi ko na maimagine ang marami sa mga tauhan nang hindi nakikita ang mukha ng mga artista. Buti na lang wala pang Stannis, Melisandre at Davos. Nakakatawa, kasi broken na broken dito si Theon, pero mukha na s'yang Reek sa akin sa tv adaptation pa lang. Sino ba 'yung artistang 'yon? (Nota: "game of thrones" at hindi "a song of ice and fire" ang tag nito dahil mauuna pang dumating ang season 2 ng palabas kaysa ang ika-6 na nobela.)
Maraming pagkakamali ang Wheel of Time ni Robert Jordan. Halimbawa, ang pagbabalik sa buhay ni Ishamael bilang Moridin, pati na rin ang kina Lanfear/Moiraine. Kagaguhan lang na malupit ang kwento nina Perrin at Galad sa Towers of Midnight. Pero klaro ang ending ng Wheel of Time sa simula pa lang: tatalunin ni Rand si Shai'tan. Pwedeng may loose ends, pero iyong malaking kwentong iyon matatapos.
Dito sa A Song of Ice and Fire, ang hula ko noon ay ang pagliligtas ni Daenerys sa Westeros gamit ang kanyang mga dragon laban sa Others at wights. Kaya siguro nakakainis ang Aegon na ito, pati na rin ang pagtambay ni Daenerys sa Essos. Panay kasi ang sabing "Winter is coming," "Winter is coming," titi ng ama, snow na nang snow, winter na 'yan! Ang punto ko'y kailangan ko ng matinong ending. Kailangan hindi bitin ang malaking naratibo. Ayos na 'yung mga maliit na naratibo, kaya nga ginawa ng Diyos ang fan fiction e. Kailangan nang patayin si Stannis at Tommen, pati na rin si Euron at Victarion, pati ang mga taga-Dorne at ang mga Tyrell.
Mas gugustuhin ko na ring mamatay si Tyrion kaysa paikot-ikot s'ya sa Essos. Mas gugustuhin ko na ring mamatay si Jon kaysa sa mas malala pa n'yang sitwasyon ngayon bilang zombie ng reyna, ni Melisandre, ng mga kapwa n'ya crow at ng mga wilding. Oo na, oo na, mahirap nang maging pinuno. Natutunan ko na 'yon kay Eddard! Ang astig-astig pa naman nang maging 998th Lord Commander s'ya ng Night's Watch, tas ang problema n'ya ngayon pulitika. Dalawang kabanatang ganun, pagkatapos laban-laban na dapat. Sa Game, maraming naglaro. Sa A Clash of Kings, maraming naggera. Sa Storm, namatay si Robb. Sa Feast, a, e, may isinigaw si Brienne? Dito sa Dance, natusta si Quentyn at nabawi ni Theon ang kanyang pangalan. Sapat na iyon para magustuhan ko ang libro, pero hindi iyon sapat para mainlab ulit ako. Muntik ko nang hindi panoorin ang ika-2 episode ng Torchwood: Miracle Day para lang ituloy ang pagbabasa sa A Dance with Dragons. Buti na lang hindi, kasi sa T:MD, sampung episode lang, mabibigyan na ako ng masalimuot na kwentong masarap ang katapusan. Ito yatang A Song of Ice and Fire, kahit umabot ng 10 libro--ewan. Rant ito, syempre pa, kaya magulo. Aasahang magulo ang mga blog, pero hindi ang mga nobela. May nabasa ako noon, dapat daw tatalon ng ilang taon si Martin, para tapos na ang apprenticeship nila Bran, Arya at Sansa. Mas mainam nga yatang ganoon ang gawin. Rant ito, kasi kahit papaano, mahal ko ang serye. At alam naman nating lahat, mas mahal mo, mas malakas ang iyong pagrereklamo. Tas pag nawala, saka mo hahanap-hanapin.