Friday, June 17, 2011

Super 8

Suoer_8

Alam ko masakit, pero pwede ka pang mabuhay. Pwede ka pang mabuhay. Boy, ang tanong, gusto ko pa bang mabuhay kung ganun kasakit? Nawalan ka lang ng nanay, tang ina mo ka, kinulong ako at tinorture ng lampas isang dekada.



Gusto ko talagang magustuhan ang Super 8. Malaki ang atraso ko kay J. J. Abrams, sa rebyu ko ng Star Trek panay ang sabi kong si Damon Lindelof ang direktor. (Pero mas malaki ang atraso ni Abrams sa sangkatauhan, dahil s'ya ang direktor ng Mission Impossible 3.)


At sa totoo, nagustuhan ko naman. Maganda ang mga pagsabog. Nakakatawa 'yung ginagawa nilang zombie movie. Tatay na 'yung bida ng Early Edition. (Parang tangek nga lang, ba't di n'ya ginamit 'yung magic newspaper n'ya, andami sanang buhay ang naligtas.)


Gusto ko talaga kasi na hindi s'ya feel good. Muntik na dun sa joke sa bus, 'yung "hindi tayo mamamatay kasi mga--" tas dumating 'yung monster pinagpapatay 'yung mga matanda. Kaso, dapat talaga may namatay na bata. Tas ang swabe na, di na ako magrereklamo sa placement ad ng Transformers sa dulo ng pelikula.


Imbes, ayun, nanalo na naman ang pag-ibig sa huli. Kaya eto na ang huling Abrams-related consumption ko. Well, syempre manonood ako ng Star Trek 2, kung kelan man 'yun dumating. At syempre, panonoorin ko rin 'yung Alcatraz. Tsaka 'yung Person of Interest. At syempre, hanggang mamatay ang Fringe committed na ako. Pero 'yun na lang. Masakit, oo, pero pwede pa akong mabuhay.