Wednesday, June 22, 2011

Selected Poems

Selected_poems


Merong pyesa dito, "The Leaves of the Cypress," na wow talaga, at dahil prose poem iniisip ko dapat nasa Collected Fictions na lang. Pero dahil ang libro kung saan s'ya unang nalathala, Los Conjurados sabi rito, ay libro ng mga tula, dito s'ya sa Selected Poems lumabas.


(Pero parang tangek, naroon sa Fictions at narito sa Poems ang "Borges and I," "Ragnarok," "Everything and Nothing" [itong huli ay riff sa "Basket Case" ng Green Day].)

Narito ang mga susing salita ni Borges: espejo, laberinto, sueƱo, ciego. May tula tungkol kay Spinoza, kay Emerson, kay Joyce. Pero, nakakabigla, meron ding mga tula tungkol sa pag-ibig, tungkol sa kasaysayan. Tama nga na importante ang mga tula sa pag-intindi kay Borges.


Meron hindi naman tayo nagbabasa para umintindi, nagbabasa tayo para ma-wow. At hindi lang ang "Leaves" ang masarap basahin. Nariyan ang "Fragments from an Apocryphal Gospel," na ang ikalimang beatitude ay "Lucky are those who know that suffering is not a crown of heavenly bliss."


(Hindi man ito corona, Luis, keri na rin pa rin ang pagiging emo, at hindi ako magbabago.) Isa pang gusto kong tula ay "The Causes," na, kung tutuusin, ay kritisismo ng ikalimang fragment.


Ang bad trip minsan, iyong mga nagsasalin na sobrang iba sa orihinal. Hindi lang ang pagkakatabi ng mga salita, kundi ang mga talinghaga. Kung sabagay, ang gusto naman kasi nila na final product ay magandang tula sa Ingles, pero sa akin, dapat pag nagsasalin ay literal na literal. Sa 13 na nagsalin dito, si Alastair Reid ang pinakamahusay. Isa rin s'ya sa pinakanakakaburat. Pero mas nakakaburat si Alan S. Trueblood.


Maraming linya si Borges na qq, at para lang magpacute isang araw gagawa ako ng Twitter account na puro salin ng mga salin dito. Habang hindi pa dumarating ang araw na iyon, eto muna ang dalawang halimbawa.


Una: "Art should be like that mirror/ Which reveals to us our own face." Pangalawa: "There is a door I have closed until the end of the world." Pero ang final say pa rin ay mula kay Papa Jack ng Love Radio, "Krimen manatiling option lang sa taong priority mo."