Obsessed ako sa rewatch. Obsessed ako sa pagdating ng araw na maaari ko nang iorganisa lahat ng files ko, lahat ng kailangan kong iscan na pictures at bagay. Iniisip ko kung anong uri ng pagsasalansan sa mga libro ang gagawin ko sa aking library pag sa wakas ay pwede ko nang ulit gamitin ang aking book shelves, o di kaya'y nakabili na ako ng mga, iyong glass.
Dati, sabi ko sa sarili, mag-aaccumulate ako ng 366 na vcd (!) para darating ang araw na hindi ko na kailangang bumili ng bago, at meron akong papanoorin na pelikula. Iyon bang matanda na ako at patambay-tambay na lang habang nasusunog ang mundo. Hindi pala ever mangyayari. Una, kasi, mamamatay ako nang bata. At, pangalawa, hindi lang pala isang pelikula bawat araw ang gusto kong panoorin. Hindi pala pelikula.
Kasalukuyan kong dinadownload ang apat na episode ng series 4 ng Doctor Who. Una ko nang napanood ang kabuuan ang series 5, ang kalahati ng series 6 (sa Setyembre pa ito babalik), dalawang episode mula sa series 4, at isa sa series 3 (ang napakahusay na "Blink").
Iniisip kong idownload ang buong series 4, pero marami akong agam-agam. Kahit na pangkalahatan kong nagustuhan ang series 5, meron din ilang episode nito ang hindi ko naman kahit kailan irerewatch. Sa mga napanood ko nga sa series 1, hindi ako masyadong nasiyahan, at wala akong balak idownload ang mga ito. Pero naiintriga ako sa nasa Top 10 Best episodes na aking ginoogle nito lang. Para tuloy gusto kong tingnan kung meron ng mga ito sa 200+ gb na nasa isohunt.
Stand-alone episode ang "Blink," at naiisip ko tuloy ngayon kung dapat bang husgahan ang mga palabas batay sa season o hindi. Ang maganda sa magandang arc, pag maganda ito, maraming oras ng enjoyment. Ang mahirap dito, mahirap magrewatch. Minsan tuloy, gusto ko nang tumalon sa specific na eksena.
At minsan naman, merong mga palabas tulad ng Camelot. Pinanood ko 'yung ika-10 episode pagkatapos talunan ang ika-8 at 9. Ayos naman, namatay si Leontes tsaka 'yung nanay ni Arthur. Pero, kahit hindi ko binura ang files ng episodes 1 to 7 at 10, hindi ko na ito papanoorin muli. Hoarder lang ako, hindi masokista.
Pero nahihirapan ako, kahit pagdating sa sitcom, na dapat ay mas madaling balikan. Noong 2010, dalawang beses kong pinapanood ang mga nagugustuhan ko. Iyon ang nangyari sa It's Always Sunny in Philadelphia, Parks and Recreation, at pati na rin sa Archer nitong 2011. Pero kahit na nagustuhan ko ang Happy Endings at Breaking In, parang isasantabi ko na naman sila, sa malayong panahon, na hindi naman darating, ko sila muling papanoorin. (Of course, every other week noong 2010 gusto kong magpakamatay, at Abril lang naman ng 2011 natigil ang fantasyang iyon.)
Ang nangyayari tuloy ay walang hanggang akumulasyon. Para tuloy lahat ng palabas, The Simpsons. Imortal, pero habang nagmamartsa ang panahon, nagiging uugod-ugod, naging walang dating, lumalabas na kinatutuwaan mo na lang dahil sa nostalgia. Parang kaibigan mula high school, mahal mo na lang kasi you've been doing it for so long. Pero ba't ka pa nagtyaga all these years? Parang kasal, siguro, na nauwi na lang sa pagiging magkasambahay. (Ehem, hindi pa ako kasal so hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko. Ehem, wala akong kaibigan mula high school so hindi ko alam ang pinagsasabi ko.)
Tatlo ang pang-akit ng rewatch. Una, na darating ang katapusan kung saan wala na akong ibang kailangang gawin kundi panoorin muli ang aking mga nagustuhan. Pangalawa, na maaaring bumalik hindi lang ang alaala kundi ang karanasan ng tuwa, tawa at excitement mula sa panonood ng palabas na napanood ko na. Pangatlo, na hindi nasayang ang buhay ko sa kakapanood ng mga palabas imbes na lumabas ng bahay at huminga. As usual, tungkol talaga sa pag-ibig ang post na ito.
(Para lang majustify ang tags: keri lang ang Family Guy sa season na ito, ang pinakamagandang episode ay iyong nung Pasko, kung saan pumatay sila Stewie ng isang pamilya. Ang Simpsons ay keri lang din, pero nunca na ata s'ya magiging mas mataas sa keri na lang. Tungkol sa Breaking In: sayang ito, mahal ko si Christian Slater, mahal ko si Lex Luthor, pero nacancel na s'yang Fox, so babay tawa. Tungkol sa Happy Endings: renewed daw ng NBC [o ABC ba?], at ako'y nagpapasalamat. Sana magkabalikan si lalake mula sa FlashForward at babae mula sa 24.)
