Mahusay ang misdirection ng trailer para sa Kung Fu Panda 2. Wala iyong patawa tungkol sa signs, pati 'yung "I have received a message./ From the universe?/ From the messenger" sa pelikula mismo. Sabi siguro ng Hollywood, "Sa mga nagsasabing lahat ng magandang jokes ay nasa trailer na, well, the joke's on you--they aren't even in the movie!"
(Merong exchange sa pagitan namin ni Consumption Buddy habang pinapanood itong pelikula na hindi ko ikukwento rito pero ilalagay ko sa susunod kong nobela. Isa lang ang masasabi ko, mahusay talaga sa analisis ang South Park.)
Katulad ng unang Kung Fu Panda, tungkol ang pelikula sa sama ng loob sa isang figure of authority. Kung saan sa una'y bad trip si Tai Lung sa master n'yang si Shifu dahil inuna nito ang kagustuhan ni Master Oogway, dito naman si Lord Shen ang hindi makaget over sa pagget over ng parents n'ya sa kanya. Sa dulo kahit pwede naman s'yang tumalon para ituloy ang fight scene, pinili na lang n'yang mamatay.
Scars don't heal, sabi ni Lord Shen. "What do they do?" tanong ni Po. Wala, pinapaalala sa atin na nasaktan tayo, ng taong pinagkatiwalaan natin, ng taong ang tangi lang naman nating gusto'y mahalin tayo. Madali naman kasing sabihin ni Po na bumitaw sa nakaraan, syempre, minahal s'ya ng tatay n'ya e, ampon man o hindi naging ama sa kanya ito. E si Lord Shen? Pagkatapos mong gawin sa akin 'to, pagkatapos ng paglalapastangan mo sa pagkatao ko, you expect me to live life to the fullest?
"I can't remember to forget you," tagline ng Memento. Kung hindi naman option ang kamatayan, siguro meron pa rin tayong refuge sa pagsusulat. Dito, pwede nating iadjust ang ilang detalye, bigyang-diin ang ibang pangyayari, bigyang-kahulugan ang meaningless gestures ng mga taong hindi man lang sinadyang manakit. Hindi sapat ang direct confrontation sa kaaway, dahil baka mauwi lang lahat sa nangyari kay Chun Li sa flim adaptation ng Street Fighter. Pagkatapos magspeech ng babae tungkol sa pagpatay sa kanyang ama at pag-eradicate sa kanyang mga kababayan ganito ang sagot ng kalaban: for you, it was the worst day of your life. Sabi ni M. Bison, "For me it was Tuesday."