Sunday, June 19, 2011

Green Lantern

Green_lantern
Cute si Ryan Reynolds. Sa Two Guys, a Girl and a Pizzaplace. Dito sa Green Lantern, ewan, tumanda na s'ya. Kung sabagay, halos dalawang dekada ang nasa pagitan ng tv show na iyon at ng pelikulang ito. Nakakasar nga lang na ang isa sa gusto ko sana tungkol sa Lantern ay hindi ko na ganoong kagusto.


Pero hindi ko hate 'yung pelikula. O sige, pangit 'yung babae. At sige, walang kwenta 'yung minikontrabida tsaka 'yung malaking kontrabida. At, sige, baduy 'yung pagchant n'ya ng "neither snow nor rain" sa huling fight scene para magamit ang isang daan at sampung porsyento ng kanyang lakas.


Pero maganda 'yung mga laruang ginawa n'ya, 'yung mga baril at espadang luntian. At nakakatawa naman kahit papaano 'yung mga banat. Labo nga lang nung pamangkin, ano 'yon? Tsaka 'yung tatlong Lantern sa dulo, umabot para sagipin s'ya mula sa araw, pero hindi para sumama laban kay Parallax. Di ko lang masakyan 'yung pagkukumpara sa iba. Hindi naman lahat ng pelikula pwedeng maging X-Men: First Class, dahil kung gayon, e di sana lahat na lang ng pelikula The Dark Knight.


Kung tauhan si Green Lantern sa Mage: the Ascension, s'ya ay myembro ng tradisyong Celestial Chorus. Meron s'yang three points sa sphere ng Forces (para sa constructs n'ya), two points sa Mind (nabasa n'ya 'yung utak ni Stephen Hawking di ba?) at siguro one point sa Prime (para lang masabing Celestial Chorus nga s'ya).



Kagabi, pinanood ko muli ang The Princess Bride. Una ko itong pinanood noong bata ako, kasama ng ate ko. Nagustuhan ko. Tas, nung high school ako. Di ko masakyan. Tas, isa pang beses. Tas, isa pang beses. Iyong pang-apat na beses, doon ko naalala kung bakit ko s'ya mahal. Tas, kagabi ngang panlimang beses, bawat eksena, bawat linya ng dayalog, nagustuhan ko. Hindi ever magiging ganoong uri ng pelikula ang Green Lantern. For a similar reason, hindi naman lahat ng tao pwedeng maging true love mo.