Tuesday, June 21, 2011

Game of Thrones, Season 1

Game_of_thrones


Sa Green Lantern, pinatay ni Hector ang ama n'yang pulitiko. Malaking pagkakamali, alam naman nating lahat na may silbi lang patayin ang isang lalake pag wala pa s'yang anak. Pag pinatay mo ang isang ama, nagiging mas makapangyarihan lang s'ya (tingnan si Obi Wan sa A New Hope).

Sa "Perform This Way," inatake ni Weird Al Yankovic ang tendensiya ng Lady Gaga interpretation na mag-essentialize tungkol sa gender at sexuality. "Born" versus "perform" this way. At, iyon na nga, wala namang ipinapanganak na "this way," lahat ay pagtatanghal.

Sa pagbabasa ng mga reaksyon sa kamatayan ni Ned sa Game of Thrones, nabigla talaga ako na maraming galit sa mga nagkocomment. Tas inisip ko 'yung mga palabas na gusto ko. Paano kaya kung pinatay si Adama sa unang season pa lamang ng Battlestar Galactica?


Titi ng ama, si Locke nga sa final season na confirmed na patay na talaga, asar pa rin ako. Siguro dahil iba talaga ang kamatayan sa libro? O nasanay lang akong patay na lahat ng tauhan sa A Song of Ice and Fire? (Minsan kailangan talaga ng tunay na kamatayan e. Ngayon sa tingin ko dapat nanatili na lang na patay si Moiraine imbes na naligtas sa Towers of Midnight kasi para tuloy nawawalan ng bigat ang sakripisyo n'ya sa The Fires of Heaven.)


"Honor" ang susing salita sa adaptasyong ito ng Game of Thrones, isang bagay na sana meron ako pero alam kong wala. Tipo kasi akong Peter Pettigrew, na badtrip, kasi may kapangyarihan sana kung Ben Linus. Sabi nga ni Chuck, hindi naman ako "bad," "not good" lang--isang nakapanlulumong katotohanan.


Fantasya ng nag-iipong gitnang uri ang dangal. Wala naman akong kilalang may isang salita e, bagaman marami sa kanila ang diplomatiko at suave (mala-Ben nga ang level). Anong pagnanasang utopian ang mayroon sa pyudal na halagahang ito?


Patay na si Ned. Sabi ni Tywin, pangalan lang ang natitira, lahat namamatay. Buti pa si George R. R. Martin, pag namatay s'ya mananatiling buhay ang pangalan n'ya sa A Song of Ice and Fire (at sa titi ng amang "Sandkings," pinakamahusay na nobeleta ever).