Tuesday, June 28, 2011

The Empty Chair

Empty_chair_the


Nito lang, napanood ko ang ikatlong episode ng Falling Skies. Sa isang eksena, pabalik si Noah Wyle para iligtas ang kanyang anak mula sa mga alien. Nawawalan ng ilaw ang kanyang flashlight, at madilim sa corridor. Nakarinig s'ya ng ingay. Tumingin s'ya sa likod. Namatay ang kanyang flashlight. Pilit n'ya itong binuhay. Nang magkailaw ulit, may alien sa harap n'ya. "Puki ng ina," sigaw ko.

Madali akong matakot na tao. At madali akong magmahal ng horror. Naniniwala akong kung ikacut ang T2 sa eksena kung saan nawawala si Eric Fructoso sa mga hagdan ng tenement ay magiging itong perpektong pelikula. Kahit ang Matakot Ka sa Kulam, tapusin lang bago ang pagdating ni Judy Ann Santos sa kanyang Tide konsyensya form, mahusay na mahusay na. Iyon ngang Pa-Siyam, kahit sang-ayon ako sa mga kritisismo, sa tingin ko'y hindi na kailangang tagpasan ng kahit ano para tawaging magaling.

Itong The Empty Chair, siguro kung pag-aaralin sa School of Tagpas, sampung minuto lang ang matitira. Naiisip kong pwedeng iligtas ang pagpatay kina Adela at Nancy, ang pagpatay sa nanay ni Clara, ang pagpalakol ng janitor sa sariling binti, at ang pakikipag-usap ng janitor sa mga multo. Lima lang kami sa sinehan: ako at si Consumption Buddy, at tatlong babaeng panay ang tawa at text. Sa unang beses, nagpasalamat akong may maingay na tao sa sinehan. Kung hindi, malamang namatay na ako sa pagkabagot.


Hindi mo maalala, pero may isa pa akong pelikulang Asyanong napanood na super nakakatakot. Pero anyway, gusto ko lang ditong purihin ang trilohiya ng Ring, na naging sanhi noon ng pagtulog ko nang bukas ang ilaw ng tatlong buwan. Nais ko rin ditong pasalamatan ang lumikha ng Feng Shui, na sa aking palagay ay ang pinakamahusay na pelikulang Filipino ever.


Bago magsimula ang pelikula, napanood namin ang trailer para sa Scream of the Ghost. Pangit ito. Marami akong pelikulang pangit na napanood na maganda ang trailer, at pakiramdam ko naloko ako. Wala pa yata akong trailer na pangit na napanood tas maganda 'yung pelikula. Napakaraming pangit sa mundo. Pangit na pelikula itong The Empty Chair.