Lampas isang siglo minahal ni Damon ang alaala ng bampirang lumikha sa kanya, si Katherine. Pagkatapos, natuklasan n'yang nilaro lang pala nito ang kanyang puso. Isang taon lang ang lumipas at mahal na n'ya ang taong si Elena, na kamukhang-kamukha ni Katherine.
Pero hindi naman tungkol sa pag-ibig ang The Vampire Diaries, tungkol ito sa patayan. At hindi lang guest star tulad ng crush kong si Rose ang pinapatay, kundi mga bida ng palabas: sa season na ito pinatay ang biolohikal na nanay at tatay ni Elena, ang tiyahin n'ya, at isang werewolf na akala ko'y tigasin (at ayos lang na namatay, kasi s'ya ang pumatay kay Rose).
O sige, tungkol talaga s'ya sa pag-ibig. Ang sentral na tanong nito ay, kung nagmahal ka ng isang nilalang sa pagkahaba-habang panahon, maaari ka bang magmahal ng ibang nilalang ulit? (Ang isa pang tanong ay kung itutuloy mo pa bang basahin ang isang rebyung dalawang beses ginamit ang salitang "nilalang" sa loob ng isang talata.)
Ang sagot ng palabas ay oo. Kung si Batman ang "hero [Gotham] needs but doesn't deserve," si Elena ang nilalang na "Damon needs but doesn't deserve." Siguro, pag naging mabuti na s'yang nilalang sa season 3 (kasabay naman ng pagiging masama ng mabuti n'yang kapatid na si Stefan, na current syota ni Elena [malapit na silang magbreak]), saka sila magkakatuluyan nang opisyal ni Elena. Tas sa season 4, magkakabalikan naman si Stefan at Elena, at si Damon ay magiging mabuting lover sa kung sinong mabuting tao, at magiging masaya ang lahat--dahil para saan pa ang pag-ibig kung hindi?
Ang tanging hindi ko trip sa VD ay ang mitolohiya nito ng originals. Ang ibang bampira, patay sa araw, patay sa kahoy sa puso, patay sa kung ano-ano. Walang nakakapatay sa original, kundi makapangyarihang-makapangyarihang witch, tsaka isang punyal na may abo mula sa kung anong puno (pero kailangang manatili ang punyal na iyon sa puso ng original, kundi babangon s'ya at dudurugin ka). Nakakaburat na nga ang paglipana ng day walkers sa popular na kultura, pero iyong imortal na imortal talaga? Puki ng ina, manonood na lang ako ng