Wednesday, May 18, 2011

Doctor Who, Series 5

Doctor_who_series_5
Kung tauhan si Doctor sa Mage: the Awakening, bagay s'ya sa tradisyong Sons of Ether. Sa spheres ng mahika, meron s'ya sa Time at Correspondence (nakakapaglakakbay sa iba't ibang panahon at lugar ang sasakyan n'yang Tardis), sa Matter (pang-analisa ang kanyang sonic screwdriver), at Life (nagsisiklo ang regeneration ng kanyang katawan, halos imortal s'ya).

Dito sa series 5 ng reboot, ang kasama ni Doctor ay si Amy Pond, isang babaeng naengkwentro n'ya noong bata pa ito. Nakikiangkas din sa kanilang paglalakbay si Rory, fiancee ni Amy, at si River Song, lab ni Doctor na pabaliktad sa panahon n'ya ang takbo (i.e. sa una nilang pagkikilala, kilala ni Doctor si River pero hindi ang baliktad, at sa dulo, kilala ni River si Doctor pero unang pagkikilala pa lang nila sa utak ng huli at kung gayon ay walang kailangang katakutan sa episode sa series 6 na "The Impossible Astronaut").

Papatayin ako ni Consumption Buddy, pero mas gusto ko ang series na ito kaysa sa una ng reboot. Mas masarap sa mata ang hitsura at masarap sa tenga ang tinig ng Doctor ngayon (ginagampanan ni Matt Smith) kaysa noon (Christopher Eccleston). Mas gusto ko rin si Amy kaysa kay Rose. Mas okey din ang pagiging loser at loyal ni Rory kaysa sa kay Jack (bagaman mahal ko si Jack sa Torchwood: Children of Earth) at syempre cool na cool si River Song (bagaman hindi naman s'ya sa series na ito unang lumabas). (Mali ang parallelisms na ito, at sabi ni Buddy, "Hindi mo maaaring ikumpara ang dalawang bagay sa lebel ng pagmamahal kung hindi mo naman minahal ang isa sa kanila." Double meaning 'yan.)

Maraming magandang episodes, halimbawa ang pagkikilala ni Doctor at ng batang Amy ("What a disappointment you turned out to be," sabi alaala ng batang Amy kay Doctor)), ang ep kung saan hinunting nila kasama si River at ng mga bishop ang Weeping Angels, ang "Amy's Choice" kung saan nabuhay muli/kinilala ang pananatiling buhay ng pag-ibig ni Amy kay Rory, "The Lodger" kung saan nagfootball si Doctor, at ang huling dalawang episode, "The Pandorica Opens" (ang Doctor pala ang masamang nilalang na ikukulong/nakakulong sa Pandorica) at "The Big Bang."


Klaripikasyon: walang katorya-torya ang huling 1/3 ng "The Big Bang." Ang arc ng series 5 ay ang "silence," ang tagline ay "Silence will fall." Buong series ko itong inabangan, at awa ng Diyos, hindi dumating. Baka iyon ang paglalaro ng mga manunulat sa salita? Nahulog ang katahimikan--at walang pay off. At iyon ang mabuting aral: maganda na sa maganda ang ilang bahagi, pero pag pangit ang ending pangit ang kabuuan.