"I can't count the reasons I should stay," sabi sa theme song ng Community, "one by one they all just fade away." Para sa isang palabas tungkol sa tibay ng pagkakaibigan, bakit kaya anlungkot-lungkot ng panimulang awit nito? Kung sabagay, napakalungkot ng season na ito kumpara sa una.
Para sa mga taong Two and a Half Men ang pinapanood, ang Community ay tungkol sa grupo ng mga estudyante sa Greendale Community College: andyan si Abed, na nakikita ang mundo gamit ang lente ng popular na kultura, si Annie na nagpsychotic breakdown na grade conscious and all around good girl, at--ang kanilang mga kaibigan. (Sa mga taong hindi alam kung ano ang community college, wag n'yo akong tingnan, hindi ko rin alam.)
Bukod sa mga lovable na tauhan, ang lakas ng Community ay ang pagpapastiche nito sa popular na kultura. Meron sila tungkol sa conspiracy theories, zombies, Dungeons and Dragons, westerns at meron pa ngang rope a dope sa Pulp Fiction. Ang pagmamahal na ito sa mga popular na texto ang s'ya ring kahinaan ng sitcom.
Iyon kasi ang panganib. Pag gets mo ang references, baka makulangan ka. Pag di mo gets, may posibilidad na hindi nakakatawa. Umasa talaga ako sa Pulp Fiction episode, na ang punch line ay My Dinner with Andre episode pala s'ya. At sa pagiging malay ng palabas sa conventions, minsan nagiging mas cynical ang nanonood. Halimbawa, iyong "Abed's Uncontrollable Christimas," masyado sa esperanza, masyadong feel good.
Buti na lang merong tulad ng "Mixology Certification," kung saan disaster ang sana'y pagdiriwang sa kaawaran ni Troy, at "Paradigms of Human Memory," kung saan inassault ng palabas ang sarili nitong conventions (pinakanakakasar na rito ang mga speech ni Jeff sa grupo para ilift up ang spirits nila at ipaalala kung ba't sila magkakaibigan). Sa dulo ng season na ito, mukhang nakipagsplit na si Pierce sa barkada. Malamang sa malamang, magkakabati rin sila sa unang episode ng ikatlong season. Pero sana hindi. Kailangan ng lungkot ng palabas na ito para manatiling mahusay na sitcom.