Saturday, May 21, 2011

The Big Bang Theory, Season 4

Big_bang_theory_the_season_4

Isa sa pinakagusto kong eksena sa season na ito ay sa dulo ng "The Alien Parasite Hypothesis," nang kunin ni Amy ang kamay ni Sheldon, nang itanong ng lalake kung bakit, sinagot s'ya ng babae ng, "Experimento lang." Nakakadurog ng puso na pagkatapos ng ilang segundo, bumitiw si Amy at sinabing, "Hind, wala, wag mo nang isipin."



Para sa mga nanonood ng The Office, ang Big Bang Theory ay tungkol sa magkakaibigang nerd: ang weird na si Sheldon, ang roommate n'yang si Leonard, ang ex ni Leonard na si Penny, ang syota ni Leonard na si Priya, ang kapatid ni Priya na si Raj, ang kaibigan ni Raj na si Howard, ang syota ni Howard na si Bernadette at si Amy, na kaibigang babae ni Sheldon pero hindi n'ya "girlfriend."




Hindi talaga nerd si Penny, ang premise nga sa simula ay bobo s'ya tas crush s'ya ni Leonard, at hindi rin nerd si Priya, at sabi ng isang comment sa isang review site, hindi naman talaga para sa [sa dalawang kahulugan ng "para sa"] nerd ang palabas, ito nga'y mapang-api sa mga katulad nila Sheldon.



Ang gusto ko talagang mangyari ay maging si Penny at si Sheldon, pero alam naman ng lahat, kahit ng hindi nanonood ng show, na hindi ito magaganap. Meron lang talagang mga combo na hindi maaaring ipull off. Para tuloy akong si Leonard sa unang season, alam n'yang imposibleng mangyari (na maging silay ni Penny) pero iyon pa rin ang kanyang hinahangad. Pero hindi ba't iyon ang kalikasan ng pag-ibig, ang gustuhin ang hindi pwedeng maganap?



Malaki ang mga suso ni Penny. Ang kay Bernadette din.