Thursday, April 07, 2011

Source Code

Source_code


Nakakaloko talaga ang trailers. O, wag talaga dapat umaasa sa patikim. Nadisappoint ako sa Kaboom dahil hinype ko ito sa utak ko. At ngayon, nadisappoint din ako sa Source Code. Siguro mabuti na rin na hindi ko napanood ang Drive Angry at Sucker Punch. Masama talaga ang umasa, at pinakamasama ang magpaasa. (At hindi talaga makapredict ng panahon ang PAGASA.)


Maganda sana ang Source Code. Maganda ang lalake. Maganda ang babae. Maganda ang premise: bumabalik sa panahon ang bida para mag-imbestiga tungkol sa pambobomba ng mga tren. At maganda ang twist: hindi pala s'ya bumabalik sa panahon natin, kundi sa source code, sa huling walong minuto ng mga namatay. At mas maganda ang twist ng twist: na hindi pala pekeng realidad ang source code, at sa loob nito'y may source code din, at sa loob nun ay...

Kaso may problema. Ang korni ng kontrabida (iyong nambomba ng mga tren, pati na rin 'yung boss sundalo na lab rat ang turing sa bida). Tsaka hindi naman naestablish ang pagblossom ng pagkakaibigan ng bida at ng mabuting sundalong tumulong sa kanya sa dulo (na ang pangalan ay Goodwin. Goodwin!). Tsaka nagsag sa gitna, nang mala-torture na ang naganap sa pagitan ng bida at ng boss sundalo.


Tsaka puki ng ina, ayaw matapos. Oo na, makukuha mo na 'yung babae. Oo na, maililigtas mo na ang mundo. Oo na, kasing totoo na ng Internet ang AFK, pwede ba magcredits ka na? At oo nga pala, pwede ba umalis na kayo sa Afghanistan?


Ang pinakamalaking mintis ng Source Code ay 'yung daddy issues ng bida. Hindi kasi ginawang central. Kumpetensya tuloy ang masamang boss sundalo, reality vs. virtual, time travel metaphysics, babaeng may ex issues, body swapping bilang sex fetish, pantay-pantay lang sila ng diin. Making the moments count ampuki ng ina, e inagaw mo ang buhay nung sinaniban mo.